Ika-24 ng Nobyembre taong kasalukuyan, pinangunahan nina City Mayor Doy C. Leachon, City Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang mga konsehal ng lungsod ang pamamahagi ng Educational Financial Assistance Program (EduFAP). Nagtipon-tipon ang 1,800 na mag-aaral sa Kalap Gymnasium, City Hall Complex.
Ang programang ito ay sinimulan noong taong 2021 upang mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga estudyante ng City College of Calapan (CCC). Kasama ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED), ang City Government of Calapan ay nag-aabot ng halagang ₱2,500 bawat semestre sa lahat ng mag-aaral na pasok sa mga batayan ng programa.
Nagbigay ng pangunahing-buod si City Education Department OIC Marvie D. Mañibo at CCC Director Dr. Ronald F. Cantos bago simulan ang programa.