Bida sa Nutrisyon at Serbisyong Pangkalusugan para sa Calapeño
Nanumpa sa harap ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ang mga bagong talagang opisyal ng Federation of Calapan City – Barangay Nutrition Scholar.
Ayon kay Dr. Basilisa Llanto – CHO, patuloy na maaasahan ang mahusay na paglilingkod sa kanilang nasasakupan at magiging matapat na katuwang ng Pamahalaang Lungsod para sa mas malusog na Calapan.
Dagdag pa ni CNAO Glenda Raquepo, RN, mananatiling tagapagtaguyod ng kalusugan at nutrisyon sa bawat barangay ang nasabing mga bagong talagang opisyal ng BNS Federation of Calapan.