Upang mas mapalakas pa ang GENDER AND DEVELOPMENT PROGRAM ng City Government of Calapan nagkaroon ng benchmarking activity sa Bayan ng Bongabong ang mga focal person ng bawat opisina sa pangunguna ni Ms. Ellaine Diomampo GAD focal person kasama ang ilang konsehal at department heads para mapag-aralan ang mga good practices sa kanilang munisipalidad.
Mahalaga para kay City Mayor Doy C. Leachon na maiayon ang mga programa at proyekto ng Lungsod ng Calapan sa Gender and Development para sa pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat.
Nagpasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa Munisipalidad ng Bongabong para sa kanilang maiinit na pagtanggap sa delegasyon.