Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calapan ang ginanap na Anti-Drug Abuse Summit sa Kalap Court, City Hall Complex. Dumalo ang mga barangay kapitan, barangay pulis, at konsehal sa naturang summit Nobyembre 21, 2025.
Katuwang ng PDEA ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni City Mayor Doy C. Leachon, kung saan idiniin ni PDEA Regional Director Maharani R. Gadaoni-Tosoc ang kahalagahan ng pagsasama ng lahat.
Nagbahagi ng isang mensahe si City Councilor Jun Cabailo at City Councilor Rap Infantado, bilang suporta ng City Government of Calapan sa ginanap na summit.
Kabilang ang Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week na ginaganap taon-taon, nagsilbing paalala ang aktibidad na ito sa layunin ng PDEA at sa kasalukuyang drug situation ng Oriental Mindoro.