Welcome to Calapan City!
Ipinagdiwang ang 33rd National Children’s Month sa Calapan City!
Isang makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa ng City Government of Calapan sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon, at sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) upang bigyang-pugay ang mga bata ngayong Nobyembre!
Sa temang “KALIGTASAN AT KARAPATAN NG BATA, IPAGLABAN,” binibigyang-diin ng taunang selebrasyon na ito ang kahalagahan ng pagtataguyod at pagprotekta sa karapatan ng bawat bata.
Ibinahagi ni City Administrator Angel Navarro, kinatawan ni City Mayor Doy Leachon, ang mahalagang mensahe:
“Hindi lang sila ang pag-asa ng bayan kundi yaman rin natin, ng bayan at ng bansa.”
Nagpakita ng kanilang kahanga-hangang talento ang ating mga kabataan sa pagkanta, pagguhit, at story telling! Patuloy nating isulong ang proteksyon at ipaglaban ang karapatan ng mga bata sa Calapan!