Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon at Konsehala Atty. Ricka Goco ang pamamahagi ng Birthday Payout at kapwa nagbigay ng mensahe sa harap ng ating mga senior citizen.
Katuwang ang Calapan City Social Welfare and Development Department sa pamumuno ni Ms. Juvy Bahia, RSW at sa pakikipagtulungan ng City Treasury Department, ang pamamahagi ng Birthday Pay-out sa mga Senior Citizen na kabilang sa age brackets na 70, 75, 80, 85, 90, at 95 taon. Ang halaga ay mula ₱1,000 hanggang ₱10,000 depende sa edad ng isang senior.
Hangad ng Pamahalaang Lungsod na maihatid sa mga mamamayan ang mga ganitong programa na nakatutulong sa dadag pinansyal ng ating mga kababayan. Patuloy na sinusuportahan ang mga ganitong inisyatiba partikular sa mga Senior Citizen na isa sa mga unang kinakalinga ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.