Welcome to Calapan City!
Ika-20 ng Nobyembre, pinangunahan ni City Mayor Doy C. Leachon, mga Konsehal ng Lungsod ng Calapan, at City ENRO Wilfredo G. Landicho FMO-OIC ang Seremonya ng Panunumpa ng mga nahalal na opisyales ng City Fishery and Aquatic Resources Management Council (CFARMC) sa DILG Bldg., City Hall Complex.
Binuo ang CFARMC noong Oktubre 24, 2025 upang mapanatili at mapaunlad ang sektor ng pangingisda ng Calapan City. Ito ay binubuo ng mga miyembro at representatib ng 32 na organisasyon mula sa iba’t ibang barangay.
Nagbigay ng isang mensahe si Calapan City Mayor Doy C. Leachon, at City Councilor Genie R. Fortu Chairman of Committee on Fishiries bilang pagpapakita ng suporta sa mga miyembro ng CFARMC. Nagsilbing opisyal na simula ng organisasyong ito ang naganap na panunumpa ng mga opisyales.
Idiniin ni Mayor Doy C. Leachon sa mga myembro ng CFARMC, na ang responsibilidad at layunin nila at ay magsilbing advisor at namumuno sa sektor ng pangingisda para sa kanilang kaunlaran. Ayon sa kanya, sila ay nasa harapan ng magiging community engagement ng CFARMC.