Sa temang “Mastering Discipline, Beaming with Sportsmanship, Standing Tall with Integrity”, pinasimulan ang City Meet ngayong taon sa pamamagitan ng Friendship Parade na nilahukan ng lahat ng deligasyon, kasama ang kanilang coaches, sports coordinators, pinuno ng kani-kanilang paaralan at mga organizers at technical officials ng 2025 Palarong Pampaaralan ng Sangay ng Lungsod ng Calapan.
Bilang mainit na suporta, personal na nagtungo at nakiisa si Calapan City Mayor Doy C. Leachon, Bokal RL Leachon, at Vice Bim Ignacio sa nasabing Opening Ceremony, kasama sina City Education OIC Ms. Marvie Mañibo, Konsehala Atty. Ricka Goco-Padre, Konsehal Rius Agua, Konsehal Joseph Umali, Konsehala Genie Fortu at ilan pang Department Heads ng Pamahalaang Lungsod.
Naglaan din ng panahon at nagpakita ng buong suporta si Madam Susana M. Bautista – Schools Division Superintendent, kasama si Madam Marites Perez EdD – Assistant Schools Division Superintendent, at ilan pang pili at matataas na opisyal mula sa mga konsernadong opisina, tanggapan at ahensya.
Magaganap ang pagtatapat ng mga paaralan at deligasyon simula bukas hanggang sabado (Nov 20-22, 2025).