Sumailalim ang mga enforcers ng Traffic Management Office sa isang pagsasanay hinggil sa mga batas trapiko. Isinagawa ang seminar upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga regulasyon at batas-trapiko sa lansanagan ng lungsod.
Layon ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon na sa pamamagitan nito ay makamit ang mas ligtas at maayos na kalsada para sa Lungsod at mga mamamayan ng Calapan.
Ilan sa naging resource speakers sa nasabing programa ay mga kawani mula sa tanggapan ng LTO at HPG na nagbahagi ng mga puntos para sa mas maayos at disiplinadong sistema ng trapiko sa lungsod.
Pangunahing hinasa ang mga lokal na tagapagpatupad ng batas trapiko sa usapin ng aktwal na paglalapat ng kaalaman sa kaligtasan ng trapiko, maayos na pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ng batas trapiko at propesyunal na kasanayan sa pagpaplano at epektibong pagpapatakbo ng sistema ng trapiko upang makamit ang ligtas at maayos na transportasyon ng mga tao at kalakal. Pinangunahan ang naturang pagsasanay ng opisina ni CPSO (Ret.) PMaj Ermin Cabanding.
Sa pamamagitan nito, inaasahan na higit na mabibigyan nang maayos at ligtas na direksyon ang mga pangunahing daan sa ating lungsod, sa gayon ay maiwasan ang mabigat at problematikong daloy ng trapiko para sa kaalwanan ng mga Calapeño.