Pinangunahan ni Vice Mayor Bim Ignacio at CA Angel Navarro ang opisyal na turnover ng laang pondo mula sa DOLE pababa sa Calapan City PESO, para sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).
Ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon, mahalaga at tunay na makatutulong sa Calapeño ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) sapagkat nagbibigay ito ng livelihood packages na makatutulong sa mga manggagawa na magbukas o magsimula ng kani-kanilang sariling negosyo.
Tinanggap ni PESO Manager Dr. Eder Apolinar M. Redublo ang pondong nagkakahala ng mahigit kumulang 1.3M na ipamamahagi sa 76 benepisyaryo sa lungsod ng Calapan na dumaan at sumailamim sa masusing ebalwasyon bago mapili. Kasamang rin ng City PESO sa nasabing turnover si City Treasurer Nic Catapang.
Ayon kay DOLE Senior Labor and Employment Officer Mr. Ramezes Torres, ang (DOLE) Integrated Livelihood Program ay naglalayong matulungan ang mga residenteng kabilang sa marginalized groups sa pamamagitan ng livelihood assistance.



