Sa pagsisimula ng bagong araw sa tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan isinagawa ang flag raising ceremony kaalinsabay nito ang pagkilala sa mga empleyado na sina Ms. Realyn B. Soriano, RSW sa pgkakapasa niya sa Licensure Examination for Social Worker at si Ms. Glenda D. Ylagan sa pagkakapasa naman sa Career Service Professional Examination.
Binigyang pagkilala rin si Miss Calapan City at bagong Miss Oriental Mindoro Mahaltana Beauty 2025 Jayannah Dimaculangan at ang mga kalahok sa gaganaping Mr. and Miss CCAA 2025 na gaganapin bukas sa Kalap Gymnasium.









