Welcome to Calapan City!

Pagkakaloob ng tulong pinansyal para sa ating mga guro hatid ng City Government of Calapan

Halagang 4,000 pesos para sa bawat guro ng lungsod ang kanilang tinanggap noong November 14, 2025 sa Kalap Gymnasium.
 
Ipinagkakaloob ito kada semestre bilang suporta at pagkilala sa kanilang patuloy at tapat na paglilingkod. Hindi matatawaran ang kanilang dedikasyon sa kanilang gampanin bilang nangunguna sa pagpapanday ng kinabukasan ng bawat magaaral.
 
Kaya naman patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon sa mga ganitong programa.