Isang araw ang inilaan ng City Government of Calapan para sa ating mga Solo Parent na masigasig na nagtataguyod sa kanilang pamilya.
Katuwang ang City Government of Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon sa mga programang nakalaan sa kanilang samahan. Una na dito ang payout na tulong pinansyal sa kanila na pinangunahan ng CSWD at sa pakikipagtulungan ng City Treasury Department at ang coronation night nagbigay sa kanila ng kasiyahan.





