Welcome to Calapan City!

CENRD, Agad Naglinis Matapos ang Konsyerto sa Provincial Capitol Area

3AM-Calapan City, Nobyembre 16, 2025 – Maagang kumilos ang City Environment and Natural Resources Department (CENRD) sa pamumuno ni Willy Landicho upang linisin ang Provincial Capitol Area matapos ang konsyerto kagabi, Nobyembre 15.
 
Nagsimula ang paglilinis ALAS TRES NG UMAGA at nagpatuloy hanggang pagsikat ng araw, upang matiyak na ligtas at maayos ang kalsada at bangketa para sa mga motorista, nagjojogging, at lahat ng mamamayan.
 
“Ang lungsod ng Calapan ay patuloy na nagmamalasakit sa kapaligiran at sa kaligtasan ng lahat. Masigasig na naglilinis upang maibalik ang kaayusan sa ating bayan”.