Welcome to Calapan City!

PASKONG CALAPEÑO: Makislap at Masagang Bayan Silayan — Sa Calapan, Bawat Isa Maligaya!

Pinaka masaya at pinaka maningning na ngiti, nasilayan sa labi ng mga Calapeño sa opisyal na pagbubukas ng Christmas Village ng Pamahalaang Lungsod!
 
Ika 14 ng Nobyembre, personal na pinangunahan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio ang Lighting Ceremony ng makulay at makinang na Christmas Village na matatagpuan sa City Hall Complex, Brgy. Guinobatan Calapan City.
 
Kasama si Bokal RL Leachon, Sangguniang Panlungsod, 1st District Representative Cong. Arnan C. Panaligan, CGC Department Heads, Program Managers, Office Heads, at City Government Employees, pormal nang binuksan sa publiko ang pamaskong atraksyon na regalo ni Mayor Doy at Vice Bim hindi lamang sa Calapeño, bagkus ay sa buong Mindoro.
 
Tampok sa nasabing Christmas Village ang Life-sized Santa Claus, Outdoor Reindeers, Nutcracker Soldier, Life-sized Teddy Bear at iba pang Supersized Gift at Christmas Decor, Go-Cart rides, na sinamahan pa ng classic perya attractions.
 
Lalo pang tumingkad ang naturang lighting ceremony dahil sa Fireworks Display na tunay namang kinagiliwan ng lahat ng naroroon.
 
Huwag mag-alala, kung di ka nakarating sa aming opisyal na pagbubukas, maaari mo pa ring ma-experience ang magarbong atraksyon na ito anomang araw ng linggo (Monday to Friday).