Welcome to Calapan City!

CALAPAN CITY CHRISTMAS VILLAGE 2025

Inaanyayahan po namin kayong lahat sa ganap na ika-5 ng hapon ngayong November 14, 2025 sa pagbubukas ng Christmas Village dito sa compound ng Calapan City Hall.
 
Sama-sama nating saksihan ang makulay at masayang pagbubukas sa pamamagitan ng isang program na pangungunahan ni City Mayor Doy Leachon kasama si Vice Mayor Bim Ignacio at ang buong Sangguniang Panlungsod pati na ang mga kawani ng pamahalaang lunsod ng Calapan.