Welcome to Calapan City!

WAIS NA MAMIMILI: eBANTAY Presyo

Price Check: Malalaman mo na ang galaw ng presyo ng pangunahing bilihin, Calapeño!
 
Pormal na inilungsad ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng City Trade and Industry Department ang Price Monitoring QR Code, ika 13 ng Nobyembre.
 
Sa pangunguna ni CTID OIC Joanne Margaret Leynes, inilungsad sa publiko ang eBantay Presyo. Gabay sa wastong presyo para sa Calapeño!
 
Ang WAIS NA MAMIMILI: eBANTAY Presyo ay programa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon na may layong agad malaman at masubaybayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa lungsod ng Calapan.
 
Bukod sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa ating Pampublikong Pamilihan, ang Price Monitoring QR Code ay angkop at maaari rin sa mga presyo ng gamot sa botika, gayundin sa ilang grocery stores at hardware sa lungsod ng Calapan.
 
Mainit na suporta naman ang muling ipinakita ni Dir. Arnel Hutalla CESO V – DTI Oriental Mindoro PD, sa gawaing ito ng CTID. Sa kanyang mensahe, masaya aniya siya na ang City Government ay patuloy nilang nagiging katuwang sa pangangalaga sa kapakanan ng mga manininda at mga mamimili sa buong lalawigan.
 
Naroroon din sa nasabing launching sina Vice Mayor Bim Ignacio, CA Angel Navarro, at City Councilor Federico Cabailo Jr., na lahat ay nagpaabot ng kanilang mensahe na naglalaman ng pagpapahalaga sa karapatan at tungkulin ng mga negosyante, manininda, at mga mamimili sa lungsod ng Calapan.
 
Anila pa, makaaasa ang publiko na ang kasalukuyang administrasyon ay patuloy na babantayan at ipa-prayoridad ang kapakanan ng bawat manininda at mamimiling Calapeño.