Matagumpay na naisagawa ang Organic Cattle Dispersal sa lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng Department of Agriculture at Calapan City Agricultural Services Department sa pamamahala ni Ms. Pam Rago – CASD OIC.
Ika 5 ng Nobyembre nasa 50 indibidwal mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang naging benepisyaryo ng organic cattle mula sa DA na sa kabuoan ay tinatayang nagkakahalaga ng 2.2M.
Ang inisyatibong ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Department of Agriculture, sa pakikipagtuwang sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamahala ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon. Layunin ng programang ito na palakasin ang organikong pagsasaka at higit pang suportahan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.
Ayon sa mga magsasakang naging benepisyaryo, ang programang ito ay isang malaking hakbang tungo sa mas matatag at produktibong sektor ng agrikultura sa lungsod ng Calapan.
Pag-unlad at pag-angat ng mga magsasaka — tungo sa mas Maayos na Bayan Sigurado!







