Welcome to Calapan City!

WORKSHOP FOR THE DRAFTING FOR THE P.O.P.S. PLAN

Ika 4 ng Nobyembre isinagawa ng Urban Planning And Development Department sa pangunguna ni EnP. Joselito Bautista ang Workshop for the Drafting of the Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan.
 
Layon ng naturang grupo, sa pangunguna ni POPS TWG Chairperson – EnP. Bautista, na mapanatiling ligtas at payapa ang kabuoang estado ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, mga klienteng nagtutungo dito araw-araw at maging para sa mga mamamayan sa lungsod ng Calapan.
 
Ayon pa sa naturang grupo, magiging kabahagi sila sa mandato ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon at ng hanay ng CDRRMD, PSD, kapulisan (PNP), BFP at iba pang konsernadong opisina, tanggapan at ahensya na maging tahimik at walang banta ng panganib ang mahal nating Calapan.