Welcome to Calapan City!

Public Safety Department, Maagap na Kahandaan

Maagap na Kahandaan para sa Undas 2025!
 
Maagang natipon sa City Pavilion ngayong Undas 2025 ang mga Traffic Management Officers ng Public Safety Department, sa pangunguna ni Public Safety Officer Ermin C. Cabanding, para sa formation at maagang pagpupulong bago ang kanilang deployment sa buong lungsod.
 
Layunin ng kanilang maagap na pagkilos ang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga motorista at mamamayan, lalo na sa paggunita ng Undas at sa isasagawang Mardigras sa Undas 2025 ngayong araw.