Welcome to Calapan City!

LIGTAS UNDAS 2025

Maaga pa lang ay aktibo na ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan bilang bahagi ng pagpapatupad ng Ligtas Undas 2025. Layunin ng inisyatibong ito na matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan ng mga mamamayan sa paggunita ng Undas.
 
Nasa mga pangunahing lansangan, sementeryo, at iba pang pampublikong lugar na ang City Health and Sanitation Department, City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety Department (PSD), Calapan City Police Station, Calapan City Fire Station, at Tamaraw Fire Volunteer upang magsagawa ng traffic assistance, crowd control, medical response, at emergency operations.
 
Ang koordinadong pagkilos ng mga ahensiyang ito ay patunay ng mas pinaigting na sistema ng pamahalaang lungsod para sa isang maayos, ligtas, at mapayapang Undas sa Calapan City.
 
HOTLINES NA MAARING TAWAGAN IN CASE OF EMERGENCIES
🏥 City Health & Sanitation Department
📞 0908-366-1556 | (043) 288-7408
 
🚒 Rescue & Fire – CDRRMD
📞 0999-735-6447 | 0915-744-9698
 
🚓 Public Safety Department (PSD)
👮‍♂️ Calapan City Police Station
📞 0998-598-5813 | 0906-179-1105
 
🔥 Calapan City Fire Station
📞 0915-603-1561 | (043) 288-7777
 
🚨 Tamaraw Fire Volunteer
📞 0917-534-2419 | 0917-136-4603 | 0925-812-9639
 
Para sa anumang emergency, MAAARI DIN tumawag sa DIAL 911.