Welcome to Calapan City!

Isang inspirasyong tunay na Pride of Calapan City!

Matapos masungkit ang GOLD (Junior 1 – D) at SILVER (Junior 1 – C) sa Batang Pinoy National Dancesport Championship 2025, mainit na sinalubong ngayong araw sa Calapan City sina Aidhen Benny Dick Lomio Atienza at Seanne Angel Ortega!
 
Pinangunahan ni SK Federation President Deo Lopez at ng City Youth and Sports Development Department ang pagsalubong bilang pagkilala sa kanilang tagumpay at dedikasyon sa sports, sa patnubay ng kanilang coach na si Benedick Atienza.
 
Isang makabuluhang tagumpay na nagbibigay ng karangalan at inspirasyon — tunay na Pride of Calapan City!