Welcome to Calapan City!

PATULOY ANG PAGKALINGA SA MGA SENIOR CITIZENS NG CALAPAN CITY

Nagpatuloy ngayong araw ang payout para sa 8,000 non-pensioner senior citizens ng Calapan City sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon, kasama ang City Treasury Department at City Social Welfare and Development Department (CSWDD). Binisita nila ang mga benepisyaryo sa Barangays Balite, Wawa, Tibag, at Mahal na Pangalan upang personal na masiguro ang maayos na pamamahagi ng ayuda.
 
Ang programang ito ay mula sa ₱16 milyong pondo ng Pamahalaang Lungsod para sa mga senior citizens. Kasabay nito, inanunsyo rin ni Mayor Leachon ang ₱17 milyong milk assistance program para sa 17,000 senior citizens at ang Orange Health Card Plus, na nagbibigay ng ₱1,000 halaga ng libreng gamot bawat buwan.