Bilang bahagi ng Oplan Ligtas Undas 2025, patuloy ang City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) sa pagsasagawa ng roving at monitoring sa mga sementeryo, pampublikong lugar, mga mall, at Calapan Port upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga Calapeño sa paggunita ng Undas.
Sa pamamatnubay ni CDRRMO Dennis Escosora, layunin ng inisyatibong ito na masiguro ang mabilis na pagtugon sa anumang insidente, makapagbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan at mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.
Ang Oplan Ligtas Undas 2025 ay isa sa mga patunay ng patuloy na adhikain ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ni Mayor Doy C. Leachon, tungo sa isang Maayos na Bayan, Sigurado.


