Welcome to Calapan City!

National Grid Corporation of the Philippines, nagpaabot ng tulong sa mga Calapeño

Personal na nagtungo si Senior Supervisor – Felicidad Francisco ng National Grid Corporation of the Philippines sa Calapan upang magpahatid ng tulong sa ilang pamilya dito sa lungsod na nasalanta ng nagdaang Bagyong Opong.
 
Namahagi sila sa dalawang daang katao (200) ng limang kilo ng bigas at sampung litro ng inuming tubig. Mainit na pasasalamat at ngiting abot tenga naman ang isinukli ng mga benepisyaryo ng nasabing tulong. Anila, ang Panginoong Diyos na ang bahalang magbalik sa National Grid Corporation of the Philippines, ng kabutihang kanilang ipinadama at ipinakita sa kanila.