Welcome to Calapan City!

JOINT LOCAL HEALTH BOARD & CITY NUTRITION COMMITTEE MEETING

Nagsagawa ngayong araw ng 4th Quarter City Nutrition Committee Meeting sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon, kasama sina Ms. Glenda Raquepo, RN ng City Nutrition Action Office, Dr. Basilisa Llanto ng City Health and Sanitation Department at Dr. Teresita Bolor ng City Population Development Office at ang mga konsernadong ahensya ng pamahalaang lungsod.
 
Isang malaking pagbati at pagkilala ang ipinaabot sa City Nutrition Action Office (CNAO) para sa kanilang mga napanalunang awards sa katatapos lang na Regional Nutrition Awarding Ceremony ng National Nutrition Council MIMAROPA nitong Oktubre 23 taong kasalukuyan. Tinalakay at sinuri ang mga programa at estratehiya upang higit pang palakasin ang nutrisyon ng ating mga mamamayan.
 
Dumalo rin sina City Vice Mayor Bim Ignacio, City Councilor Jun Cabailo (bilang Committee Chairperson on Health), at DILG Calapan City LGOO Mr. Eufracio Forones, kasama ang mga BHW representatives, at iba pang department heads ng City Government.