Welcome to Calapan City!

INFLUENZA-LIKE ILLNESS (ILI)

Ano nga ba ang Influenza-like Illness o ILI?

Ang ILI ay grupo ng mga sintomas na katulad ng sa trangkaso — lagnat, ubo, sipon, sakit ng ulo, at pagkaranas ng mabilis na pagkapagod, maaaring dahilan ito ng iba’t ibang viruses, bacteria, o iba pang pathogens.

Ayon sa World Health Organization, ito ay may kasamang lagnat na hindi bababa sa 38°C at ubo na nagsisimula sa loob ng nakaraang sampung (10) araw.

Paalala ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon at ng City Health and Sanitation Department sa pangunguna ni Dr. Basilisa Llanto – CHO, ugaliing isagawa ang respiratory etiquette tulad ng pagtatakip ng bibig kapag umuubo; pananatili sa bahay kapag may ubo, sipon, o lagnat; madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol, pag-iwas sa physical contact lalo na kapag may sintomas at pagsusuot ng face mask lalong higit sa mga matataong lugar.

Wag Mabahala Calapeño – Ang Sagot Ay Ibayong Ingat Lamang Po!

*Panayam kay Dr. Ma. Teresita N. Bolor, Population and Development Officer – Designate, Calapan City Rural Health Physician

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *