Ika 28 ng Oktubre, personal na pinangunahan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon ang pamamahagi ng agricultural interventions sa ilalim ng Agricultural Development Program, katuwang ang City Agricultural Services Department sa pamamahala ni Ms. Pamela Rago OIC – CASD.
Kabilang dito ang: Rice Technology Demonstration Project, Solar Irrigation, Rice Seed Production Project, Repair of Roofing for Palay Drying Facility, Installation of Enclosure Wall for Palay Drying Facility, Fertilizer Subsidy, Seed Subsidy Project, kasabay rin ang pakikipag-ugnayan at pagbababa ng programa at suporta para sa mga Rural Based Organizations sa lungsod ng Calapan, gayundin ang pamimigay ng Hybrid Seeds na tinatayang nasa halos 7050 bags na pinondohan naman ng pamahalaang nasyunal.





