Welcome to Calapan City!

SOCIAL ASSISTANCE PAYOUT

Nag-umpisa ng umarangkada ang pamamahagi ng payout para sa ating mga Senior Citizens sa lungsod ng Calapan, simula ngayong araw, ika 27 ng Oktubre.
 
Hanggang sa darating na ika 30 ng Oktubre, nasa kabuoang 7125 na lolo at lola ang makatatanggap ng kani-kanilang social assistance mula sa Pamahalaang Lungsod sa pamamahala ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon.
 
Nasa mahigit kumulang P14,250,000.00 ang kabuoang halagang inilaan para sa mga nasabing senior citizens na kabilang sa 62 barangay sa buong kalungsuran.
 
Asahang magtutungo ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod – City Social Welfare and Development Department sa pangunguna ni CSWDO Madam Juvy Bahia RSW, sa inyong mga barangay ngayong linggo.