Pinagunahan ng Persons with Disabilities Affairs Office sa pangunguna ni Mr. Benjamin Agua, Jr. ang regular flag raising ceremony sa City Hall, kasabay nito ang pagkilala kay Jayannah Samantha Dimaculangan ng Brgy. Salong na ating pambato sa Ms. Oriental Mindoro 2025 na gaganapin sa Bulwagang Panlalawigan sa darating na Nobyember 13, 2025.
Nanumpa naman kay City Mayor Doy Leachon ang mga bagong halal ng Calapan City Local Council of Women sa pamumuno ni President Edna R. Madrigal kasama ang iba pa.
Samantala ipinagkaloob naman ni City Mayor Doy Leachon kasama ang City Trade and Industry Department sa pangunguna ni OIC Ms. Joanne Leynes sa mga benepisyaryo ang tatlong Mobile Business Service carts bilang tulong sa kanilang pangkabuhayan.