Welcome to Calapan City!

Pagpapatuloy ng Suporta sa Kabuhayan: Pamamahagi ng Mobile Business Support (MBS) Food Carts sa mga Benepisyaryo

Bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan, isinagawa ngayong umaga sa Calapan City Hall ang Awarding of Mobile Business Support (MBS) Food Cart Beneficiaries kasabay ng regular na Flag Raising Ceremony, sa pangunguna ni City Mayor Doy C. Leachon.
 
Ang aktibidad na ito ay pagpapatuloy ng inisyatibang sinimulan noong 100 Days Event, kung saan pitong (7) food carts ang naipagkaloob sa mga piling benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay.
Bukod sa food carts, tinanggap din ng mga benepisyaryo ang mga pangunahing kagamitan sa operasyon tulad ng apron, knife set, hair net, at gloves—bilang bahagi ng layunin ng programa na maisulong ang malinis, maayos, at ligtas na pamamahala ng maliit na negosyo.
 
Sa pamamagitan ng Mobile Business Support Program, ipinapakita ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang patuloy na suporta sa mga Calapeñong nagsisikap magpatatag ng sariling kabuhayan—patunay ng pangako nitong isulong ang pag-unlad na inklusibo at walang maiiwan.