Welcome to Calapan City!

CDRRMD (EOC) Orientation

Isinagawa ang Emergency Operations Center (EOC) Orientation bilang bahagi ng Matthean Deanery Student Encounter, na dinaluhan ng mga delegado mula sa BCS, PGA, HIA, at NMA.
 
Pinangunahan nina Engr. Kei Arrgueman, Nowie Aytin, at Janna Michaella Villanueva ang oryentasyon, katuwang ang Echo at Delta Teams ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) – Calapan City sa pangunguna ni CDRRMO Dennis Escosora.
 
Isang makabuluhang inisyatibo na nagbigay ng karagdagang kaalaman at kakayahan hindi lamang sa mga kabataang delegado ng Matthean schools, kundi maging sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pagpapatatag ng kahandaan at katatagan sa panahon ng sakuna.
 
Ang aktibidad na ito ay sumasalamin sa patuloy na adbokasiya ng lungsod na paigtingin ang disaster preparedness sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, at pakikipagtulungan sa mga institusyong pang-akademiko.