Bilang bahagi ng patuloy na layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na palakasin ang kahandaan at katatagan sa panahon ng sakuna, lumahok ang City Disaster Risk Reduction and Management Department – Calapan (CDRRMD–Calapan) sa Two-Day GeoRiskPH for Resilience Regional Training Workshop na ginanap sa Eastwood, Quezon City.
Tinalakay sa workshop ang paggamit ng mga makabagong applications tulad ng GeoMapper, HazardHunter, at GeoAnalytics — mga digital tools na tumutukoy sa mga hazard at sinusuri ang posibleng epekto nito sa mga partikular na lokasyon. Sa pamamagitan ng mga ito, mas nagiging epektibo ang mga lokal na pamahalaan sa paggawa ng mga desisyong nakabatay sa datos para sa disaster risk assessment at response planning.
Ipinapakita ng programang ito ang patuloy na pagsisikap ng Lungsod ng Calapan na gamitin ang science-based solutions at modern technologies tungo sa mas ligtas, handa, at matatag na mga komunidad ng bawat Calapeño.
Ang training ay isinagawa sa pangunguna ng DOST-PHIVOLCS at GeoRiskPH.