Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan para sa kahandaan sa sakuna, isinagawa ng Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMO) sa pangunguna ni CDRRMO Dennis Escosora ang Earthquake Drill Orientation para sa mga empleyado ng Bank of Makati sa Barangay Lumangbayan nitong Oktubre 24, 2025.
Ang oryentasyon, na pinangunahan nina Resource Speaker Kei Manguerra, Aly Comia, Nowie Aytin, at Kenneth Villena, ay naglalayong palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa wastong pagtugon kapag may lindol o iba pang emergencies.
Ang kahandaan at kaligtasan ng bawat Calapeño ay nananatiling pangunahing prayoridad ng administrasyon ni City Mayor Doy Leachon, katuwang ang CDRRMO, sa pagtataguyod ng isang #MaayosnaBayanSigurado.