Welcome to Calapan City!

BEST KIDS SEASON 9: AKSYON EDITION

Sa temang “Aktibong Kabataan: Sama-samang Yayabong sa mga Oportunidad sa Pagnenegosyo,” patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon, ang mga programang naglalayong hubugin ang kabataang Calapeño upang maging handa at aktibo sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng BEST KIDS SEASON 9 – Aksyon Edition.
 
Kasama sa programa ang Business Enhancement Training at Business Registration Simulation, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talino, ideya, at kakayahan sa pagnenegosyo.
 
Ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng City Trade and Industry Department sa pamamatnubay ni Ms. Joanne Margaret O. Leynes, Officer-in-Charge, na nagsilbing inspirasyon at katuwang ng mga kabataang kalahok sa paghubog ng kanilang potensyal sa larangan ng pagnenegosyo.