CORONATION DAY LITTLE MR. & MS. UNITED NATIONS 2025 — ACTIVITY AND CHILD PRODUCTIVITY CENTER
Matagumpay na nairampa ng ating mga cutie patootie ang kanilang magagara at creative na kasuotan at lutang na lutang na kagandahan at kakisigan, sa isinagawang Coronation Day ng Little Mr. & Ms. United Nations 2025.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad nina CSWDO – Madam Juvy Bahia, RSW, ACPC Child Development Worker – Ms. Ronalyn M. Pinohermoso, at Mr. Charles O. Pansoy CDSPG President, ika 24 ng Oktubre sa Kalap Hall, kasama ang mga all out support na magulang ng ating mga cuteness overload na chikiting.
Bagamat walang itulak-kabigin sa mga bulilit, nakuha ni Martina Vienice N. Mejico ang kurona bilang Little Ms. United Nations 2025, at ni Timothy Marcel S. Austria ang titulo bilang Little Mr. United Nations 2025.