Welcome to Calapan City!

EMERGENCY CASH TRANSFER – BAGYONG OPONG

MGA NASALANTA NG BAGYONG OPONG SA LUNGSOD NG CALAPAN, BENEPISYARYO NG CASH ASSISTANCE SA PAMAMAGITAN NG EMERGENCY CASH TRANSFER
 
Nasa 582 indibidwal ang napabilang bilang benepisyaryo ng Emergency Cash Transfer ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng CSWD, sa pamamahala ni Madam Juvy Bahia RSW.
 
Ika 23 ng Oktubre nasa mahigit kumulang 3.1M ang kabuoang halaga ng naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyong Opong.
 
Ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ang halagang kanilang natanggap ay tulong sa pagsasaayos ng kanilang mga nasirang kabuhayan at kabahayan gayundin ay pambili ng iba pang food items na hindi kalakip sa laman ng ating ipinamahaging family food packs.
 
Ayon kay Madam Juvy, bahagi ito ng pagtalima sa direktiba ni Mayor Doy na tiyaking walang Calapeño ang mapapabayaan sa panahon ng kanilang pangangailangan.