Welcome to Calapan City!

CALAPAN CITY HYMN 2025

Calapan, Lungsod na Minamahal A Tribute to Our Beloved City

Muling binuhay ang makasaysayang awitin na “Calapan, Lungsod na Minamahal” bilang pagpupugay sa diwa ng pagkakaisa, pag-asa, at pagmamahal ng bawat Calapeño sa kanilang lungsod.

Ang orihinal na awitin ay nilikha ni Consuelo M. Untalan, unang inawit ni Marvie D. Mañibo, at tinugtugan ni Imelda Acedera Luna — sagisag ng pagkakakilanlan at pagmamalaki sa Calapan. Sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Doy Leachon, pinangunahan nina City Education Officer Marvie D. Mañibo at City Economic Enterprise Development Officer ENP. Nepo Jerome G. Benter ang muling pagsasakatuparan nito.

Ang bagong bersyon ay inawit ng Gregorian Choir sa pamumuno ni Manuel S. Hebreo III, tampok ang Choral Arrangement ni Nepo Jerome G. Benter at Accompaniment Arrangement ni Howard Bong M. Abao.

Calapan, Lungsod na Minamahal — isang awiting muling binigyang-buhay bilang taos-pusong alay sa ating minamahal na lungsod.