PANIBAGONG PAG-ASA, ito ang hatid ng prosthetic legs na handog ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon sa pamamagitan naman ng PDAO na pinamamahalaan ni Mr. Benjamin M. Agua Jr.
Halos sampung Calapeño na mula sa barangay Mahal na Pangalan, Baruyan, Masipit, Ilaya at Pachoca ang makatatanggap ng kani-kanilang prosthetic legs na higit na naisakatuparan dahil sa mainit na suporta at tulong ng DSWD Regional Office at Dreemer Enterprises.
Layon ng gawaing ito na matulungan ang mga benepisyaryo na muling makapagsagawa ng kanilang araw-araw na tungkuling pampamilya at panlipunan gayundin ay magkaroon ng mas malayang pagkilos.
Administrasyong Leachon – laging para sa mabuting kapakanan ng mga mamamayan.