Matagumpay ang pagdaraos ng ika-100 araw ni City Mayor Doy Leachon sa kanyang panunungkulan bilang alkalde ng lungsod na ginanap sa Calapan City Convention Center kasama ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng mga department heads at program managers at ang buong Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni City Vice Mayor Bim Ignacio.
Kasama sa mga dumalo sina Vice Governor CA Jojo Perez kasama ang mga bokal ng unang distrito at si 1st District Representative Congressman Arnan C. Panaligan at iba pang personalidad.
Naroon din ang mga opisyal ng barangay at ibat-ibang konsernadong ahensya na nakiisa sa matagumpay na 100 Days ni City Mayor Doy Leachon.
Tunay ngang sa loob lamang ng 100 araw ay naramdaman agad natin ang tunay na malasakit ng Pamahalaang Lungsod at magpapatuloy tungo sa “Maayos na Bayan Sigurado”
Maraming salamat po sa nakiisa.