Ika 22 ng Oktubre, isinagawa ng CTID sa pamamahala ni Ms. Joan Margaret Leynes CTID – OIC ang ribbon cutting ng CGC Food Hub sa City Hall Complex, Brgy. Guinobatan Calapan City.
Katuwang ng Pamahalaang Lungsod ang Calapan City Vendors Association sa pagsasakatuparan ng planong ito para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, mga mag-aaral ng City College of Calapan at ng mga araw-araw na kliyente ng city government.
Ayon kay Mayor Doy C. Leachon, dapat ang kaalwanan at ganitong mga programa ay magsimula sa sarili nating bakuran.
Bukod sa malawak at malinis na pagkaing pagpipilian ng mga naturang mamimili, target din ng food hub na ito na makapagbigay ng marangal na trabaho at disenteng kita sa ating mga nagsusumikap at nagpupursigeng mga manininda.
Ang naturang Food Hub ay sinuportahan at pinondohan ng Pamahalaang Lungsod, ng Development and Livelihood Fund mula sa DMCI Power Corporation, Power One Corp., at Ormin Power Inc.