PARA LIGTAS KA CALAPENO!
Dahil sa sunod-sunod na serye ng paglindol, muling nagsagawa ang Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Department, ng Earthquake Drill ika 17 ng Oktubre, sa pamamahala ni DRRM Officer Dennis Escosora.
Siniguro ng naturang departamento na muling maipaalala at mabatid ng mga estudyante ng Holy Infant Academy ang nararapat na gawin sakaling maranasan ang paglindol.
Dahil maghapong nasa paaralan ang ating mga kabataan, nararapat lamang ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon na alam ng mga estudyante kung ano ang dapat nilang gawin upang manatiling ligtas.
Ilang lamang sa mga itinuro ay kung paano mabilis na makalilikas at saan lugar dapat magtungo.
Paalala pa ni DRRM Officer Escosora, hindi lamang sapat na gawin ang duck cover and hold kundi mahalaga rin ang kooperasyon at koordinasyon ng bawat isa upang maging handa at ligtas ang lahat.
Makaaasa ang lahat na magiging malawak at pangkalahatan ang hakbang ng Pamahalaang Lungsod tungo sa mas ligtas na Calapan.