“Dugong Alay, Dugtong Buhay” sa SP Session Hall ng Calapan City! Pinangunahan ng Calapan City Blood Council ang matagumpay na blood letting activity, na nagtipon ng mga bayaning handang magbahagi ng kanilang dugo.
Ang inyong kontribusyon ay malaking tulong sa mga nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Mabuhay kayo!