Welcome to Calapan City!

MALASAKIT AT PAGHAHANDA PARA SA MGA CALAPEÑO

MALASAKIT AT PAGHAHANDA PARA SA MGA CALAPEÑO
 
Bilang bahagi ng patuloy na hangarin ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na maipahatid ang mabilis at maayos na serbisyo sa panahon ng sakuna, muling inihanda ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa pamumuno ni Sir Dennis T. Escosora, City Disaster Risk Reduction and Management Officer, ang mga relief goods na nakalaan para sa mga kababayang maaaring maapektuhan ng bagyo, baha, sunog, o lindol.
 
Ang proyektong ito ay isa sa mga inisyatiba ni City Mayor Doy Leachon, na naglalayong matiyak na may agarang tulong na maibibigay sa mga pamilyang nangangailangan sa oras ng kagipitan. Pinondohan ito mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) sa pamamagitan ng CDRRMD.
 
Bahagi rin ng inisyatibang ito ang pagpapabuti sa packaging ng relief goods upang mapanatili ang kalinisan, kalidad, at kaligtasan ng mga pagkain at gamit, at maiwasan ang spoilage o pagkasira ng mga ito bago maipamahagi.
 
Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas napagtitibay ang kakayahan ng lungsod na tumugon sa mga kalamidad—patunay ng malasakit, kahandaan, at tapat na paglilingkod ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
 
Sa Calapan, maayos na bayan, sigurado — aksyon agad!