LIBRARY ON WHEELS MULING UMARANGKADA!
Patuloy ang serbisyo ng Library on Wheels ng City Government of Calapan sa pangunguna ng City Public Library of Calapan, at ngayong araw, ang mga residente ng Barangay Mahal na Pangalan naman ang ating pinuntahan.
Layunin nito na maging mas accessible ang mga aklat at materyales pang-edukasyon sa ating mga kababayan. Patuloy ang suporta ni City Mayor Doy Leachon sa mga ganitong programa na nakapagaangat sa kaalaman at magkaroon ng magandang kinabukasan ang bawat batang nagnanais na matuto sa kanilang pag-aaral.