Naglunsad ng Ceremonial Distribution ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department sa pamamahala ni Ms. Pamela Rago OIC – CASD, ika 15 ng Oktubre, na kinabibilangan ng Corn Production Project Interventions, High Value Crops Development Program Project Interventions at Promotion of Organic Agriculture Project Interventions.
Layon ng programang ito, ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon na mainit na suportahan ang anumang pangangailangan ng nasabing sektor, kasabay ng pagpapalakas ng kanilang agrikultural na produksyon at pagpapataas ng kita ng ating mga magsasaka.
Sa pamamagitan aniya ng mga ganitong programa, masisiguro ang food security sa ating isla gayundin sa labas ng ating lalawigan. Pagsusulong ng kapakanan ng ating mga magsasaka, resulta ay masigla at mayabong na lipunan at mamamayan.