Welcome to Calapan City!

DEPARTMENT HEADS MEETING

Aksyon Agad!
 
Isinagawa ang regular na Department Heads Meeting ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon sa Calapan City Convention Center.
 
Tinalakay ang mahahalagang hakbangin para sa mas pinaigting na pagsasaayos ng ating kalunsuran at pagpapahusay ng mga serbisyo publiko na maihahatid sa ating mamamayan. Tuluy-tuloy ang paggawa ng solusyon para sa mas maunlad na Calapan.
 
Ang pagpupulong na ito ay regular na isinasagawa upang mapabilis at mas maayos na komunikasyon sa pagitan ng punong lungsod at ng mga department heads sa pagbababa ng mga serbisyong kailangan sa mga barangay.