Welcome to Calapan City!

2025 NATIONAL CELEBRATION OF ELDERLY WEEK

Isang matagumpay na pagdiriwang ang naganap sa 2025 National Celebration of Elderly Week na idinaos sa Calapan City Convention Center!
 
Sa ilalim ng temang “Embracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose,” pinangunahan nina City Mayor Doy Leachon at City Vice Mayor Bim Ignacio, kasama ang Sangguniang Panlungsod, ang makabuluhang okasyon kasama ang City Social Welfare and Development Department sa pangunguna ni Ms. Juvy Bahia, RSW.
 
Buong galak namang nakiisa sa ating mga Senior Citizen si Vice Governor CA Jojo Perez upang personal na makita at makisaya sa nasabing gawain!
 
Ang Calapan City ay patuloy na magiging katuwang ng ating mga lolo’t lola sa pagsasabuhay ng may dignidad at kabuluhan!