Welcome to Calapan City!

Paglilinis ng Magugulong Kable sa Lungsod ng Calapan, Tinalakay

Paglilinis ng Magugulong Kable sa Lungsod ng Calapan, Tinalakay sa Pulong ng Iba’t Ibang Ahensya
 
Bilang tugon sa direktiba ni Mayor Doy Leachon para sa isang malinis, ligtas, at maaliwalas na Calapan, nagsagawa ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan upang talakayin ang pag-aayos at pagtanggal ng mga nakasabit na kable ng kuryente, internet, at telepono sa lungsod.
 
Pinangunahan ni City Administrator Bobbie Navarro ang nasabing pagpupulong na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa BFP, CENRO, CATSI, GLOBE TELECOM, TVNET, MBE STARLINK NET CORP, at CALAPAN CABLE.
 
Layunin ng pagpupulong na mapabuti ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at pribadong kumpanya upang masiguro ang kaligtasan ng publiko, mapaganda ang kapaligiran, at maisulong ang mas maayos na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.
 
Patuloy ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Doy Leachon sa pagpapatupad ng mga hakbang tungo sa isang mas organisado, ligtas, at maginhawang Calapan City.