Nagsagawa ng ocular inspection ang AETECH Innovations Singapore, isang Smart City Solutions Provider, kaugnay ng planong infrastructure recabling ng buong Calapan City Hall bilang paghahanda sa digitalization program ng pamahalaang lungsod.
Sa kanilang pagbisita, ginabayan sila ng Management Information Services (MIS) Office, sa pangunguna ni Engr. Alven De Guzman, OIC-MIS. Ang aktibidad na ito ay isinagawa upang makabuo ng karampatang plano para sa epektibong pagpapatupad ng proyekto.
Ang nasabing inisyatiba ay kabilang sa mga prayoridad ni City Mayor Doy Leachon bilang bahagi ng patuloy na pagsulong tungo sa modernong pamamahala at mahusay na serbisyo publiko.